Mga Epektibong New Year’s Resolution Tips Para Sa 2020

New Year's resolution

Ilang araw na lang, tapos na ang 2019 at sasalubungin na natin ang 2020. At marami na naman ang naglilista ng mga New Year’s resolutions para sa pagpasok ng Bagong Taon. Pero marami rin ang nag-iisip kung matutupad nga nila ang mga resolutions na to. Halina at tignan ang mga paraan kung paano mo mapapangatawanan ang mga nilista mong resolutions. 

New Year’s resolution tip no. 1: Piliin ang resolution ng mabuti

Marami sa atin ay madalas na gumagawa ng New Year’s resolution base sa kung ano ang naiisip natin sa kasalukuyan. Halimbawa ay sinabihan ka na kailangan mo nang magdiet, kaya yun agad ang ilalagay mo. Dahil sa biglaan mo lang siyang naisip, may tsansa na makaligtaan mo siya uli pagkalipas ng ilang araw. 

Dahil dito, mas magandang pag-isipan ng maigi ang resolution na gagawin. Isang magandang pamantayan ay kung gaano kalaki ang magiging impact nito sa iyo.Ang pagpupursiging magpapayat ay malaki ang maitutulong sa kumpiyansa mo sa sarili, maliban pa sa benepisyo nito sa kalusugan mo. 

Ang isa pang mahalagang batayan ay kung gaano ka-realistic ang mga napili mong resolutions. Dito ay kailangang mo maglagay ng mga kongkretong detalye para sa mga ito. Kung balak mong mag-ipon ng pera, halimbawa, ilista mo ang halaga ng nais mong ipunin at ilang buwan mo balak magawa ito. 

Timbanging mo kung maigi kung kaya mong panindigan ang mga goals na ito sa situwasyon mo ngayonn. Kapag hindi ay pwede mong baguhin ang iyong target at gawin itong mas simple. Kung talagang desidido ka ay mas madali mo siyang mape-flesh out. Maari kang gumamit ng worksheet tna tulad ng nasa ibaba para sa paggawa ng goals.

Imahe mula sa Daily Teaching Tools.

New Year resolution tip no. 2: Gumawa ng plano

Ngayong nakapagdesisyon ka na sa iyong New Year’s resolution, pwede mo nang planuhin kung paano siya tutuparin. Importante ito dahil ito ang magsisilbi mong gabay at mas magkakaroon ka ng tamang diskarte para matupad ang resolution mo. 

Katulad ng kahit anong plano, kailangan mong mag-set ng goals para sa New Year’s resolution mo. Gumawa ng main goals na nais mong matupad. Kung ang resolution mo ay makapagbawas ng timbang, ilista ang target weight na gusto mong mabawas kada tatlong buwan. 

Sa ilalim ng main goals na ito ay maglista ngmga sub-goals na pag-araw araw mong gagawin. Ito ang mga ordinaryong aktibidad na makakatulong para matupad mo ang main goals, katulad ng:

  • Paunti-unting pagbabago ng diet para sa mga nais magbawas ng timbang
  • Pagtatabi ng mga extra na barya sa maghapon para sa mga gustong makaipon
  • Paglalaan ng ilang minutong usapan kada araw para sa mga magkasintahang may couple goals.

Isulat mo ang daily goals na ito sa papel at idikit isang lugar na madali mo siyang makikita. Halimbawa ay sa may salamin o sa pinto ng ref. Sa ganitong paraan ay mapapaalala mo sa sarili ang mga dapat mong gawin sa araw na yun. 

New Year’s resolution tip no. 3: I-anticipate mo ang mga problema

Kahit may plano ka na para sa iyong New Year’s resolution, huwag mong asahan na magiging smooth sailing na agad. Magkakaron at magkakaron pa rin ng mga problema na pwedeng makadiskaril dito. Ang mainam gawing ay i-anticipate kung saan magmumula ang mga problemang ito. Hlimbvawa, ang schedule mo sa trabaho ay maaring makaapekto sa oras ng pagdi-gym mo kung nais mong magpapayat

Kailangan mo ring tignan kung sinu-sinong tao ang maaring makaapekto sa New Year’s resolution strategy mo. Malaki ang epekto ng peer pressure sa kakayahan mong sundin ang mga plano mo. Dito ay kailangan mo ng self-control para ma-lessen ang impluwensiya nila sa desisyon mo. 

Mahalaga rin na ready kang umamin sa mga pagkakamali mo sakaling magkaron ng problema sa pagtupad sa New Year’s resolution mo. Maganda itong learning experience dahil makikita mo ang mga triggers na hindi mo na-anticipate nung una. Wag kalimutang ilista ang mga ito para mapag-isipan kung psano sila maiiwasan sa susunod.

New Year resolution tip no. 4. Magbigay ng reward sa iyong sarili

Ang isang magandang paraan para lalo kang mamotivate sa pagtupad ng New Year’s resolution ay ang pagbibigay ng reward sa  sarili. Ito ay ang mga maliliit na premyo na makukuha mo kada makakumpleto ka ng iyong goals. Kung ikaw ay nagda-diet, maglagay ka ng isang cheat day kada buwan kung saan pwede kang kumain ng mga paborito mong pagkain. 

Imahew mula sa Successful HCG Diet.

Para mas maging effective ang iyong rewards, maging systematic sa paggamit ng mga ito. Sa una ay pwede mong gawing lingguhan ang iyong reward. Kapag unti-unti ka nang nasanay sa pagtupad ng New Year’s resolution goals mo, pwede mo nang gawing mas madalang ang mga rewards. 

Sa pagtatapos ng taon, bigyan mo ang iyong sarili ng isang malaking anniversary reward kapag nasiguro mo nang natupad ang lahat ng goals mo. Deserved mo ito at mas lalo kang magpupursige para sa susunod na taon. 

Maging matalino sa pagtupad ng New Year’s resolution

Dapat tandaan na ang pagtupad ng New Year’s resolution ay hindi pang-isang taon lang. Kung talagang gusto mong panindigan ang resolution mo, kailangan mo itong tuparin sa mga susunod pang taon. Sundin ang mga tips na nasa taas at mas madali mong maiaangkop sa iyong lifestyle para sa Bagong Taon.